Huling sandali lyrics

Huling sandali lyrics

Hindi mapigil ang bugso ng aking puso

Sa tuwing ako’y papalapit sayo

Maaari bang hingin ang iyong kamay?

Hawakan mo’t huwag mong bitawan

Hindi mapigil ang tibok ng aking puso

Sa tuwing ako’y nakatingin sayo

Maaari bang huwag kang humiwalay

Dahil sandali na lang

Darating din ang gabing walang pipigil sa’tin

Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?

Kahit sandali, palayain ang pusong ‘di mapigil

Sana’y tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika’y magiging akin

Hindi matigil ang gulo sa aking isip

At para bang walang kasing sakit

Alaala mong hindi ko malimutan

Oras lang ang may alam

Kung darating din ang gabing walang pipigil sa’tin

Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon

Kahit sandali palayain ang pusong ‘di mapigil

Sana’y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa’tin

At sa bawat minuto

Ako’y ‘di natuto

Ipilit mang iba, ako’y maghihintay sayo

Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali

Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?

Kahit sandali, palayain ang pusong ‘di mapigil

Sana’y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa’tin

Kahit sandali, patawarin ang pusong ‘di tumigil para sa’ting dalawa

Ang maling pagkakataon na ika’y magiging akin


Leave a Reply